Ipapaubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kongreso ang pagpapasya sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sinabi ito ni Pangulong Marcos matapos ihayag ni House Ways and Means Committee Chairperson Joey Salceda na ito at ang tatlong iba pa ang inatasan na muling ayusin ang MIF.
Sa panayam sa Pangulo habang ito ay nasa Davos, Switzerland, sinabi nito na hindi na siya mangingialam sa panukalang Wealth Fund.
Sinabi naman ni PBBM na sinusubukan pa rin ng Kongreso na tukuyin kung anong anyo ng Sovereign Wealth Fund ang babagay sa Pilipinas.
Ang paglikha ng Maharlika Wealth Fund ay nakapaloob sa panukalang House Bill 6398, na inihain nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Sandro Marcos III.
Sa ilalim nito, mangangalap ng P275B mula sa Government Pension Funds at Banks na ipapakontrol sa mga eksperto galing sa ibang bansa, para palaguin sa pamamagitan ng investment sa ibang negosyo, bangko, pondo sa ibang kapuluan, features markets at iba pa.