Kinontra ni Maguindanao Congressman Bai Sandra Sema ang kahilingang alisin ang Comelec control sa Cotabato City.
Kasunod na rin ito nang isinumiteng petisyon ng Cotabato LGU para alisin na ng Comelec ang kontrol sa lugar simula March 29.
Ayon kay Sema, hindi dapat magpadalus dalos ang Cotabato Local Government dahil posibleng umalit ang mga kaguluhan at election-related incidents tulad nang nangyari sa ilang barangay sa Cotabato nuong 2018 elections.
Tinukoy din ni Sema ang nangyaring pagsabog nuong December 2018 kung saan dalawa katao ang nasawi dahilan kaya’t isinailalim sa Comelec control ang nasabing lugar.