Tinanggihan ni PNP chief Oscar Albayalde ang kahilingan ni Senate President Tito Sotto na payagan ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima na makapagsagawa ng public hearing sa Kampo Crame dahil aniya’y marami pang panukalang batas ang nakabinbin sa Komite na pinamumunuan ng senadora.
Sa liham ni Albayalde, sinabi nito na maaari namang idulog sa Korte na may hawak ng kaso ni De Lima ang naturang kahilingan ni Sotto.
It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter considering Senator De Lima’s status as a detention prisoner with restricted right to exercise profession and hold public office. Consequently, any matter pertaining to requests to exercise her legislative functions as an elected senator and conduct committee hearings for such purpose is a matter for the Court having jurisdiction over her pending case/s to decide.” Ani Albayalde sa liham nito kay Sotto.
Dahil dito, pag-aaralan na ng Pangulo ng Senado ang iba pang maaaring maging opsyon dahil aniya, hindi naman nito gusto ang panghihimasok sa Hudikatura.
Sa ngayon ay nasa 6 na major bills na nakapasa na sa 3rd reading sa Kamara ang nakabinbin sa komite ni De Lima, ito ang mga sumusunod:
1.) Public Solicitations Act
2.) Magna Carta of the Poor
3.) Magna Carta of Day Care Workers
4.) Emergency Volunteer Protection Act
5.) Social Welfare and Development Agencies Act, at
6.) Rural Employment Assistance Program Act