Ibinasura ng Malakanyang ang kahilingan ng mga opisyal ng Busan Universal Rail Inc. o BURI na makipagkita at makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang BURI ang service provider ng Metro Rail Transit o MRT – 3 na kinansela ang kontrata dahil sa palpak na operasyon at serbisyo ng MRT trains.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang dahilan para pagbigyan ang kahilingan ng BURI dahil kanselado na ang kontrata nito sa gobyerno.
Habang wala pang nakukuhang kapalit sa BURI, sinabi ng kalihim na pansamantalang iti–take over ng gobyerno ang maintenance ng MRT.
Matatandaang sa nakalipas na ilang linggo ay nakaranas ng sunod – sunod na aberya ang MRT – 3.