Pinagbigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng isang 6th grade Filipino student sa California, USA.
Sa liham na sinulat ni Andrei Gabriel Custodio Esteban, nais niyang ibida ang Pangulo sa kaniyang klase sa isasagawa niyang nationality report hinggil sa Pilipinas sa November 15.
Pinuri rin ni Custodio ang Pangulo sa kasipagan nito sa kabila ng pagiging abala nito at hiniling na makita ng personal.
Humirit pa si Claudio sa Pangulo na batiin siya pati ang kaniyang mga kaklase at guro sa isang video.