Tinawag na katawa-tawa ng Concerned Artists of the Philippines ang kahilingan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipagbawal ang pagpapatugtog sa kantang Amatz ng Pinoy rapper na si Shanti Dope.
Ayon sa grupo ng artists, walang karapatan ang PDEA na maging kritiko ng isang kanta at lalong wala itong karapatan na isulong ang censorship at pagsikil sa artistic expression.
Binigyang diin ng Concerned Artists of the Philippines na malaya ang sinuman na pagdebatehan at iinterpret ang sinasabi ng kanta.
Partikular na inirereklamo ng PDEA ang chorus ng kanta kung saan sinasabi ng paulit ulit ang mga katagang lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal.