Binatikos ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang umano’y kahilingan ng Pambansang Pulisya sa korte na listahan ng mga abogadong kumakatawan sa mga kaanib ng kilusang komunista.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Calbayog City Regional Trial Court sa korte suprema na nakatanggap nga sila ng request letter na pirmado ng isang P/Lt. Fernando Calabaria Jr. mula sa Calbayog City Police Office.
Ayon kay IBP President Atty. Domingo Cayosa, patunay lamang ng kahilingang ito ng pulisya na sinasagkaan nito ang simpleng prinsipyo hinggil malaya at pananagutang ipagtanggol ang mga akusado anuman ang paniniwalang pulitikal ng mga ito.
Dahil dito, nanawagan si Cayosa sa mga awtoridad para sa mabusising imbestigasyon at itaguyod ang responsibilidad ng estado gayundin ay tiyaking magagampanan ng mga abogado ang kanilang trabaho ng walang pagbabanta, pananakot o panggigipit.