Ibinasura ng COMELEC ang petisyon na nagpapa-recall sa kanilang desisyon na palawigin ang deadline na ibinigay nila sa kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagsagot sa petisyon na nagpapakansela sa kandidatura nito sa pagkapangulo sa 2022 Elections.
Nakasaad sa inilabas na desisyon ng second division ng COMELEC noong November 23 na inilabas ngayong araw lang, mayroong awtoridad ang poll body para suspendihin ang reglementary periods batay sa kanilang patakaran.
Iginiit ng COMELEC na mas mabibigyan ng tamang hatol ang isang kaso kung ang lahat ng lahat ng kampong kaugnay ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag depensa, makapag prisinta ng kanilang argumento o ebidensya.
November 18 nang pagbigyan ng COMELEC ang hirit ng kampo ni marcos na mabigyan ng karagdagang limang araw para makapag sumite ng kanilang sagot sa petisyon na nagpapakansela sa kaniyang ceritificate of candidacy.