Tinanggihan ng Court of Appeals na pagbigyan ang kahilingang makapagpiyansa ng bilanggong si Herbert Colango.
Sa kanyang petition for bail with motion to admit additional evidence, sinabi ni Colango na hindi ganoon kalakas ang mga katibayan laban sa kanyang pagkakasala.
Umapela ito para sa aniya’y humanitarian consideration dahil sa umano’y pananakit ng kanyang likod, pamamanhid ng babang bahagi ng katawan, at pababalik-balik na problema sa pag-ihi.
Ayon sa Court of Appeals, hindi pwedeng magpiyansa si Colango dahil Reclusion Perpetua ang ipinataw sa kanya nang maaresto ito noong 2009 matapos ang ilang kaso ng pagnanakaw.
Isa si Colango sa mga tumestigo laban kay Senadora Leila de Lima kaugnay sa kaugnayan nito sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.
By: Avee Devierte