Pinayagan ng Korte Suprema ang kahilingang writ of habeas data ni Leyte Congressman Vicente Veloso matapos mapasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing writ of habeas data ay nag uutos sa ilang national government officials para ipaliwanag kung bakit kasama ang pangalan ni Veloso sa naturang listahan.
Ikinatuwa naman ni Veloso ang nasabing desisyon ng high tribunal na itinuturing niyang first round victory sa kaniyang laban sa kontrobersyang ibinabato sa kaniya.
Ipinag utos din ng SC na pagbigyan ang petisyon ni Veloso na sagutin ng mga opisyal ang kaniyang argumento at magkaroon ng pagdinig ang Court of Appeals sa kaniyang kaso.
Kabilang sa mga tinukoy na opisyal sina Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG Secretary Eduardo Año, PDEA Director General Aaron Aquino, PNP Chief Oscar Albayalde, AFP Chief Benjamin Madrigal, Jr. at National Intelligence Coordinating Agency Director General Alex Paul Monteguado.
Magugunitang March 14 nang pangalanan ni Pangulong Duterte si Veloso na umano’y protektor sa illegal drug trade.