Nabulabog ang mga tao malapit sa MRT Edsa-Ayala Station makaraang makarinig ng malakas na pagsabog dakong alas-9:00 kagabi.
Ito’y makaraang madiskubre ang isang kahina-hinalang bagahe na iniwan sa naturang istasyon hindi kalayuan sa isang kilalang hotel sa lugar.
Gayunman, agad nilinaw ng Makati City PNP na negatibo sa anumang pampasabog ang naturang bagahe at hindi ito ang naging sanhi ng pagsabog.
Bagama’t hindi na idinetalye ni Senor Superintendent Gerardo Umayao, hepe ng Makati City Police ang laman ng naturang bagahe, maituturing na ligtas pa rin ang pagsakay sa MRT at walang dapat ipangamba ang publiko hinggil dito.
(Ulat ni Gilbert Perdez)