Bagsak na marka ang ibinigay ng isang political analyst kay Pangulong Noynoy Aquino sa gitna ng kanyang huling State of the Nation Address (SONA), mamayang hapon.
Naniniwala si Institute for Political and Electoral Reform Executive Director, Professor Ramon Casiple na bigong maresolba ni Pangulong Aquino ang maraming problema sa ilalim ng kanyang administrasyon tulad ng kahirapan.
“Nagkulang siya sa lahat eh, ‘yung promises ay walang decisive result, halimbawa anti-poverty, anti-corruption, ‘yung peace, pero ang hindi talaga na-solve ang poverty the same with corruption.” Ani Casiple.
Inihayag din ni Casiple na tila malabo na ring mapunan ng Pangulo ang mga pagkukulang ng gobyerno sa nalalabi niyang halos isang taon sa puwesto.
“Well, kung titignan mo halos wala nang kakayahan, pero siguro halimbawa BBL baka puwede pa, pero yung impact talaga sa buong issue, like eradication of poverty, iyakan tayo diyan, walang mangyayari diyan.” Pahayag ni Casiple.
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita