Kahirapan ang nagiging mitsa ng tunggalian at terorismo.
Ito ang babala ni Pope Francis sa kanyang makasaysayang pagbisita sa Africa na isa sa mga lugar sa mundo na balot ng karahasan.
Sa kanyang talumpati sa harap ni Kenyan President Uhuru Kenyatta at ng libu-libong deboto, hinikayat ng Santo Papa ang lahat na magkaisa at magtrabaho ng may integridad at transparency para sa nakararami.
Binigyang diin naman ni Kenyatta na palalakasin pa nila ang laban kontra korapsiyon at inequality o hindi pagkakapantay-pantay.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: vikinglogue.com