Posibleng lumobo sa mahigit 1 bilyon ang bilang ng mamamayan sa iba’t-ibang panig ng mundo na nabubuhay sa sobrang kahirapan.
Batay ito sa datos na inilathala ng UNU-WIDER na bahagi ng United Nations University.
Tinutukoy sa report ang mga mamamayan na nabubuhay sa $1.90 cents kada araw o halos wala pang P100.
Ayon sa grupo, nasa 395 million ang nakikita nilang madaragdag sa kasalukuyang bilang ng mga sobrang mahirap o extreme poverty dahil sa COVID-19 pandemic.
Pinakamarami anila ang nakikita nilang malulugmok sa kahirapan ay mula sa South Asia lalo na sa matataong lugar tulad ng India at sa sub-Saharan Africa.