Pinawi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng krisis kahit may nararanasang kakulangan sa supply ng tubig.
Sa harap ito ng bumababang water level sa Angat dam, na pinagkukunan ng 90% ng supply ng Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Kampante si MWSS Administrator Leonor Cleofas na magiging sapat ang tubig sa Angat at iba pang reservoir, gaya ng Laguna de Bay at Wawa dam, sa kabila ng nararanasang tagtuyot.
Ayon kay Cleofas, above 180-meters pa ang water level sa angat, nangangahulugang prayoridad pa rin ang alokasyon para sa inuming tubig sa halip na para sa irigasyon.