Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroong tamang proseso sa pagkuha o paggamit ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kahit donasyon ang bakuna kinakailangan pa rin nito ng kaukulang dokumento bago magamit.
Responsibilidad kasi aniya ng ahensya na suriin ang pinanggalingan ng naturang bakuna nang sa ganun ay ma-monitor kung ano ang posibleng maging epekto nito sa mga nabakunahan.
Magugunitang inihayag ng Malakaniyang na donasyon mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm ang COVID-19 vaccine na itinurok sa ilang sundalo partikular sa mga miyembro ng Presidential Security Group.