Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang supply ng bigas sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Paeng na nagresulta sa P2.8-B na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Aminado si Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na bagaman nasa 95,694 metric tons ang lawak ng pinsala, tiyak na maka-aapekto ito sa supply.
Pero sapat ang supply, partikular ang local rice, dahil nagkaroon naman na ng improvement sa produksyon ng palay.
Ayon kay Evangelista, hindi pa ikinukunsidera ng DA na mag-import muli ng bigas kahit malaki ang pinsalang idinulot ng bagyo.
Sa katunayan anya ay lumago ang produksyon ng palay ngayong taon sa 12.67 million metric tons.
Para naman sa fourth quarter, nasa 2.6 million metric tons ang rice inventory level o katumbas ng 70 araw na supply.
Samantala, mamamahagi ang kagawaran ng mga rice, corn at vegetable seeds sa mga magsasaka.