Hindi napigilan ng malakas na ulan ang pangangampanya ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao sa Cebu kahit madaling araw.
Dakong ala una nang madaling araw kahapon nang salubungin si Pacquiao ng kanyang mga supporter sa Balamban Sports Oval, ilang araw bago ang halalan.
Matapos dumalo sa Panel Forum ng comelec na pinutakte ng technical glitches, humataw sa pangangampanya si Pacman sa Minglanilla, Talisay, Naga City, San Fernando, Carcar City, Sibonga, Argao, Toledo at Balamban sa Cebu.
Nagbalik sa naturang lalawigan ang pambansang kamao para sa kanyang three-day political sortie upang humakot ng suporta mula sa nabanggit na Vote-Rich Visayan Province.