Hindi basta mabubuwag ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kahit pa lumikha ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) na isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang nilinaw ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa kabila ng pangamba ng mga staff ng RITM na mawalan sila ng trabaho.
Magugunitang nag-protesta ang mga empleyado ng RITM laban sa inaasahan nilang pagbuwag sa nasabing institusyon upang magbigay-daan sa pagtatatag ng CDC alinsunod sa proposal sa mahigit apatnapung bills sa Kongreso.
Tiniyak ni Vergeire sa mga empleyado na wala silang dapat ipangamba dahil hindi naman mawawala ang RITM.
Sa katunayan anya ay lalo pa nilang palalakasin ang RITM. dahil isasama ito panukalang CDC na magkakaroon ng mas maraming pondo, suporta at ekspero upang makatuwang ng DOH.
Ang RITM ay mayroong mahigit 1,000 empleyado, kabilang ang mga doktor, nurse, laboratory technician at researcher.