9 sa bawat 10 pamilya o nasa 90% ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nananatiling mahirap kahit pitong taon na silang sinusuportahan ng programa.
Sa performance report ng Commission on Audit (COA) aabot sa 3.8 million ng 4.2 million active household-beneficiaries ay miyembro na ng 4Ps sa loob ng 7 hanggang 13 taon.
Katumbas ito ng kabuuang 537.39 billion peso cash grant na ipinamahagi simula June 30, 2021, nangangahulugang nasa below poverty threshold pa rin ang 4Ps members sa kabila ng mahabang panahon.
Magugunitang inamin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa kanyang pagharap sa pagdinig sa senado noong Miyerkules na kailangang repasuhin ang 4ps law na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa batas na binibigyan ng seven-year limit ang mahihirap na pamilya na manatili sa 4Ps program.
Ang 4Ps ay sinimulan sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo habang noon lamang 2019 ay nagkaroon ng bagong batas para sa institutionalized program nito.