Lalahok pa rin si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa mga political caravan at motorcade sa ibang lugar kahit kanyang ipinagbawal ang mga kahalintulad na mga aktibidad sa lungsod.
Ayon kay Duterte, hindi naman bawal sa ibang lugar ang motorcade at caravan.
Dinepensahan din ng alkalde ang desisyong ipagbawal ang mga caravan at motorcade sa davao sa pagsasabing pakikiisa ito sa mga apektado ng tumataas na presyo ng basic commodities, partikular ng fuel products.
Suportado naman ni presidential bet Leody De Guzman ang hakbang ng presidential daughter habang tatalima rin sa guidelines ng Davao City ang kapwa presidentiable na si Senador Manny Pacquiao pero ipinunto nitong mahalaga ang kampanyabilang bahagi ng eleksyon.
Samantala, bagaman ipinagtaka ni presidential candidate at Senador Panfilo Lacson ang pagbabawal ni mayor inday sa mga motorcade sa lungsod gayong kaliwa’t kanan ang caravan nito sa ibang lugar, umaasa siyang aalisin ito ng alkalde.