Pinayagan na ng Department of Health ang pagdaraos ng halloween at christmas parties sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay sa kondisyon na dapat lamang itong gawin sa sariling mga kabahayan kasama ang pamilya.
Bagaman ipinagbabawal pa rin anya ang mass gatherings, pwede naman ang mga christmas o halloween party basta’t sa loob ng tinatawag na “family bubble”, kaakibat ang safety protocol
Muling pinayuhan ni Vergeire ang publiko na umiwas sa 3cs o closed, crowded at close-contact na mga lugar at kung mayroong may sintomas, huwag na munang dumalo sa mga ganitong party. —sa panulat ni Drew Nacino