Nilinaw ng OCTA Research Group na kaunti ang inirereport na COVID-19 cases sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga aktibong kaso sa bansa.
Ito, ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, ay dahil nabawasan ang mga isinasagawang tests.
Sa ngayon anya ay nasa 654 cases per day ang seven-day average sa Metro Manila kaya kung nagsasagawa ng test tulad noong Enero, dapat ay aabot sa 1,300 ang cases kada araw.
Batay sa datos ng DOH, bahagyang tumaas sa 21% ang bed occupancy rate sa NCR, kung saan 6,072 beds ang okupado at 22,831 beds ang bakante sa halos 2K ospital at medical facilities.
Kahit ang ilang Government official ay tinamaan din ng COVID-19 gaya nina Pangulong Bongbong Marcos at Justice Secretary Boying Remulla na kapwa nakaranas ng mild symptoms.