Tiniyak ng Comelec na walang botanteng madi-dis-enfranchise sa mga lugar na nagdeklara ng “failure of elections” bunsod ng iba’t ibang kadahilanan, tulad ng mga naitalang election-related violence.
Ayon kay Comelec Acting Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, isa sa pangunahing layunin ng special elections sa mga lugar na nabigong magdaos ng halalan ay tiyaking maibigay sa mga botante ang karapatan nilang makaboto at hindi sila ma-disenfrachise.
Gayunman, kailangan pang mabatid kung maka-aapekto ang mga boto sa resulta ng isasagawang special elections sa local na posisyon dahil naka-depende ito sa kabuuang bilang ng registered voters at estado ng canvassing.
Isasagawa ang special elections sa mga bayan ng Butig, Binidayan at Tubaran pero hindi nagtakda ang Comelec ng eksaktong petsa.