Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na makontrol ang inflation kahit nagsisimula nang bumangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.
Sa kanyang talumpati sa forum na inorganisa ng Joint Foreign Chambers of the Philippines sa Pasay City kahapon, binanggit ng Pangulo ang naitalang 8% inflation rate nitong Nobyembre.
Gayunman, nilinaw ng Punong Ehekutibo na ang nag-ugat ang inflation sa labas ng bansa at hindi dahil sa internal factors batay sa kanyang economic team.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t kailangan ang import substitution upang maibaba ang nararanasang mataas na presyo ng mga bilihin.