NAPANATILI pa rin ang tamang-tamang temperatura para sa vaccine storage sa lalawigan ng Cebu sa kabila ng naganap na power interruption nitong weekend.
Ito ang tiniyak ng Department of Health-Central Visayas matapos tamaan ng tatlong oras na power blackout ang iba’t ibang lugar sa probinsya, kabilang ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, Lapu-Lapu at maging ang Bohol.
Hinimok naman ni Dr. Jaime Bernadas ng DOH-Central Visayas ang lahat ng mga vaccine centers sa lalawigan na magsagawa ng regular na temperature monitoring sa mga imbakan ng bakuna at i-review ang kanilang contingency plans o ang mga planong paghahanda laban sa sakuna.