Nananatiling ligtas ang mga turista sa kabila ng pagkakadiskubre ng mahigit 800 sinkholes sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito ang muling tiniyak ni Malay Mayor Frolibar Bautista sa gitna nang pagdagsa ng mga bakasyonistang mag-pa-Pasko sa Bora ngayong holiday season.
Ayon kay Bautista, hindi naman napakalalim at kalaki ang mga nakitang butas at hindi rin delikado para sa mga istrukturang nakatayo.
Nilinaw din ng Alkalde na hindi lahat ng espasyo sa isla ay tatayuan o tinatayuan ng mga gusali dahil may limitadong kapasidad ang isla at hindi naman mismong sa lupa nadiskubre ang mga sinkhole.