Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III sa laging handa public briefing na hindi dapat payagang makaboto ang mga botanteng mayroong COVID-19 o kahit sintomas lamang sa darating na May 9 elections.
Sinabi ng kalihim na patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa Commission on COMELEC para linawin ang ilang katanungan patungkol sa isyung pangkalusugan ng mga boboto ngayong sa darating na halalan.
Dagdag pa ni Duque na malinaw ang polisiya ng gobyerno na dapat i-isolate ang mga may sintomas ng COVID-19 kaya hindi dapat na salungatin kung ano ang pinaiiral na patakaran para labanan ang kontaminasyon.
Samantala, nanindigan ang kalihim sa kanyang posisyon na kapag may sakit ay huwag ng lumabas para hindi makapang-hawa ng ibang tao. – sa panulat ni Mara Valle