Walang ipatutupad na bawas-sweldo ang PBA sa mga player nito sa kabila ng indefinite suspension ng mga laro at scrimmages dulot ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial na magpapatuloy ang sahod ng mga manlalaro na malaking sakripisyo para sa mga team owner kaya humingi siya ng pasensya sa mga ito.
Umaasa naman si Marcial na magiging maayos na ang sitwasyon sa susunod na tatlo hanggang apat na linggo.
Sa ngayon anya ang karamihan sa mga PBA squad ay nagsasagawa ng non-scrimmage workouts para sa pitong grupo bawat session sa ilalim ng mahigpit na health at safety protocols.
Nauna nang nagpataw ang pro-league ng 20% cut sa suweldo sa mga player, coach, assistant coach, team manager at empleyado ng liga simula noong April 2021.
Gayunman, inalis ng PBA ang cut nang makuha ng mga koponan ang Go Signal na magsagawa ng full-contact na training sa iba’t ibang pasilidad sa Batangas.