Nilinaw ni Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz na “under control” na ang sitwasyon ng covid-19 sa ilang lungsod lamang sa nasabing bansa.
Sa kabila ito ng patuloy na pagdami ng nagkakasakit at namamatay sa pinaka-matindi umanong covid-19 surge na nararanasan sa Tsina sa nakalipas na halos tatlong taon.
Gayunman, ibinatay ni Florcruz, na kasama sa state visit ni Pangulong Bongbong Marcos, ang kanyang obserbasyon sa daloy ng trapiko sa halip na opisyal na datos mula sa National Health Commission ng China.
Hindi rin nagbigay ang embahador ng opisyal na bilang ng mga pilipinong nagkakasakit.
Una nang inihayag ng Office of the Press Secretary na negatibo sa covid-19 ang buong delegasyon, maging si Pangulong Marcos nang dumating sa Beijing.