Tiniyak ng Philippine Olympic Committee (POC) ang paglahok ni Olympic Pole Vaulter Ernest John Obiena sa Southeast Asian Games at Asian Games ngayong taon.
Sa kabila ito ng gusot sa pagitan ni obiena at kinabibilangan niyang national sports association na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Ayon kay POC Chairman President Abraham “Bambol” Tolentino, kahit walang kinabibilangang National Sports Association (NSA) Ay hindi mapuputol ang suporta nila kay EJ Upang kumatawan sa Pilipinas.
Nakasaad anya sa probisyon ng international Olympic Committee Charter na tanging ang National Olympic Committee, tulad ng POC Ang may otorisasyong magsumite ng mga delegasyon.
Ipinunto ni Tolentino na ang pagpili sa isang delegado ay nakabatay din sa husay ng atleta, kakayahang magsilbi bilang ehemplo sa kabataan at hindi lamang sa kinabibilangang NSA.