Namumuro pa rin ang dagdag-pasahe sa MRT-3 kahit hindi isapribado ang operation at maintenance nito.
Ito ang nilinaw ng Department of Transportation matapos magpahayag ng pagkabahala ang publiko sa planong privatization upang mas mapabuti umano ang serbisyo ng naturang rail transit system.
Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, may privatization o wala ay posible ang pangambang fare hike dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng spare parts at kuryente.
Hindi lamang anya kailangan bagkus hindi rin maiiwasan sa ngayon ang dagdag-pasahe at ang tanong na lang ay kung magkano ang itataas nito.
Ang planong pagsasapribado ay isa sa mga ikunukunsidera ng pamahalaan dahil sa napipintong pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng Metro Rail Transit Corporation sa taong 2025.
Ipinaliwanag din ni Chavez na ang naturang issue ay daraan pa sa konsultasyon ng DOTr at National Economic and Development Authority bago isakatuparan.