Nasabat ng mga otoridad ang ilang kahon ng mga expired na flu vaccines, gamot at antibiotics sa isang warehouse sa Bocaue Bulacan, habang arestado ang tatlong salarin.
Batay sa ulat, ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division at food and drug operation ang raid sa tanggapan ng recytechphil.
Ito ay matapos ng kanilang pakikipag transaksyon sa manager ng kumpanya na si Marilou Villena.
Maliban marked money, narekober din ng mga awtoridad ang mga expired na flu vaccines na ibinibenta ng mga suspek sa halagang tatlo hanggang limang daan piso sa pamamagitan ng mga distributors.
Nahaharap ngayon sa paglabag sa FDA Act at Consumer Act of the Philippines ang tatlong naarestong mga suspek.