Kahon-kahong smuggled cigarettes ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa pantalan ng Siasi, Sulu.
Ayon sa PCG, nakita ang mga puslit na sigarilyo sa gitna ng kanilang pag-iinspeksiyon sa mga inabandonang bagahe sa MV Ever Queen of the Pacific na bumibiyahe mula sa naturang pantalan patungong Port of Zamboanga.
Nang buksan ng mga otoridad ang mga bagahe, dito na bumungad ang 10 kahon at 6 na bag na naglalaman ng 300 reams ng sigarilyo.
Sinabi ng PCG na posibleng iligal na inangkat sa bansa ang naturang mga produkto na nagkakahalaga ng mahigit P200K.
Sa ngayon, nai-turn-over na sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang sigarilyo, na nakatakdang isailalim sa imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng insidente.