Inirekumenda ng mga mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na palawakin ang kahulugan ng Drug Den
Ito ang magkakaisang pahayag ng mga mambabatas sa isinagawang Joint Committee Hearing kahapon kaugnay sa nangyaring concert sa Mall of Asia sa Pasay City nuong isang buwan
Ayon kay Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, Officer In Charge ng House Committee on Dangerous Drugs, hindi dapat nalilimita ang drug den sa mga tagong lugar kung saan ginagamit, ibinebenta at ipinamamahagi ng iligal na droga
Kasunod nito, umaasa si Bataoil na maikukunsidera ito ng papasok na ika-labing pitong kongreso lalo’t kilalang tutol sa operasyon ng iligal na droga si incoming President Rodrigo Duterte
By: Jaymark Dagala