Ikinagulat ni Senator Imee Marcos ang pakahulugan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa “employment” o trabaho kaya naitala ang napakataas na employment rate sa bansa na pumalo sa 95.7%.
Kung saan sinama ng PSA sa datos ang mga may-ari ng sariling negosyo, housewives, mga indibidwal na nagtrabaho kahit isang araw lang sa loob ng tatlong buwan o isang oras sa nakalipas na buwan.
Gayundin ang mga wage and salary workers at ang mga self—employed na walang tiyak na buwanang kita.
Giit ni Senator Imee kung ganito ang depenisyon sa employment ay talagang mataas ang magiging datos nito.
Bunsod nito panawagan ng mambabatas na sa PSA na ayusin ito at iulat ang tunay na kalagayan ng bansa.