Pinalilinaw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kahulugan ng salitang “terorismo” sa House Bill 6875 o Anti-Terror Bill.
Sa panayam ng DWIZ kay CHR spokesperson Atty. Jackie De Guia, masyadong malawak ang terminong terrorismo na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.
Una nang binabatikos ng hanay ng mga militante ang nasabing batas dahil sa pangambang magiging talamak ang ‘red’ tagging sa mga progresibong grupo.
Nangangamba rin ang CHR na tumaas ang kaso ng torture sa mga taong mapaghihinalaang terrorista at malagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan kung malinis din ang kanilang pangalan sa dakong huli.