Babaguhin ng Merriam-Webster dictionary ang kahulugan ng “racism” o pagtatangi ng lahi matapos kuwestiyunin ng isang Missouri black woman ang depinisyon nito dahil hindi umano isinama ang sistematikong pang-aapi base sa kulay ng tao.
Sa isang Facebook post, binanggit ni Kennedy Mitchum ng Drake University na inihahanda na ang revision, gayundin ang kahulugan ng iba pang salitang may kaugnayan sa racism o mayroong racial connotations.
Nabatid na nag-email ang 22-anyos na si Mitchum sa pamunuan ng diksiyonaryo noong nakaraang buwan makaraang pumanaw si African-American George Floyd nang luhuran sa leeg ng isang Minneapolis police officer.