Naharang ng Philippine Coast Guard ang dalawang lantsa sa karagatang sakop ng Barangay Bato-Bato sa Indanan, Sulu.
Sa isinasagawang coastal security patrol ng PCG, ininspeksyon nito ang ML FAIDA, sakay ang siyam nitong crew at natuklasan ang 39 master cases ng smuggled na sigarilyo, matapos walang maiprisintang vessel o safety certificate at walang boat captain.
Ang naturang kontrabando ay nai-turn over na sa Bureau of Customs para sa kaukulang imbentaryo. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)
INCIDENT REPORT: The PCG has intercepted ML FAIDA and its nine ship crew, for the absence of a boat captain and vessel safety certificate, as well as the presence of 39 cases of smuggled cigarettes onboard.https://t.co/X1fIclHfgi#DOTrPH#CoastGuardPH#MaritimeSectorWorks pic.twitter.com/WItYZrPzmA
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) November 18, 2020