Hindi maglalaro sa Gilas Pilipinas ang NBA prospect na si Kai Sotto sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Nilinaw ni Gilas Team Manager Butch Antonio na walang planong isama ang 7-foot-3 center sa Sea Games Roster sa huling minuto lalo’t katatapos lamang ng kanyang NBL Season sa Adelaide 36ers.
Umugong ang issue sa posibleng stint ni Kai sa Sea Games kung saan ipagtatanggol ng Gilas ang Men’s Basketball Gold matapos ibalita na hindi makapaglalaro si big man Japeth Aguilar dahil sa injury na natamo nito sa PBA Governors Cup Playoffs.
Magugunitang pinangalanan ni Gilas Coach Chot Reyes ang 16-man pool para sa Sea Games team na kinabibilangan ni Aguilar, bagama’t sinabi ni Antonio na hindi pa ito nagsusumite ng kanilang final 12-man lineup.