Napagdesisyonan ng Pinoy basketball player na si Kai Sotto at ng NBA G League Ignite team na hindi na muling itong sasama sa team.
Ayon kay NBA G League President Shareef Abdur-Rahim, parehas na naunawaan ni Kai at ng team ang mga pagsubok sa pagbiyahe at pagsunod sa health at safety protocols ngayong may pandemyang COVID-19 kaya’t hindi na muna isasali sa laro si Kai.
Dagdag nito, lagi umanong kabilang si Kai sa extended Ignite family at hiling nito ang tagumpay ng Pinoy basketball player sa NBA.