Inihayag ni National Basketball League 7 feet 2 inches Kai Sotto na hindi niya isusuko ang kaniyang pangarap sa NBA.
Kasunod ng pagkakabigong makuha ng NBA Teams sa ginanap na NBA draft noong nakaraang araw.
Ayon kay Kai, kaniyang ipagpapatuloy at hindi ititigil ang ambisyon para makamit ang minimithing pangarap na maging kauna-unahang pure-Pinoy na makakapasok sa NBA.
Kumpiyansa ang atleta na marami pang panahon para kaniyang maimprove ang kaniyang laro sa basketball.
Sa kabila nito, pinasalamatan ni Kai ang kaniyang mga fans na walang sawang sumuporta sa kaniyang basketball career.