Bagama’t hindi nakasalang kahit isang laro sa NBA G League, malaki pa rin ang maitutulong ni Kai Sotto sa pagsabak niya sa Adelaide 36ers sa Australia.
Ayon kay Adelaide coach Conner Henry, ito’y dahil tiyak na matindi ang pinagdaanang training ni Sotto sa Team Ignite ng G League.
Ang 18-anyos na si Sotto ay matatandaang lumagda ng kontrata sa 36ers noong isang linggo at sasabak ito ngayong taon sa National Basketball League (NBL).
Dahil din sa pagkakapasok ni Sotto sa NBL ay magiging eligible na rin siya para sa 2022 NBA Rookie Draft.
Sinabi rin naman ni Henry na magandang pagkakataon din ito ni Sotto para maihanda ang kanyang sarili para sa NBA draft.