Tuloy-tuloy ang pagsasanay ni Kai Sotto habang pinag-aaralan ng kampo nito ang mga susunod na hakbangin para sa kanyang basketball career.
Kasunod na rin ito nang pagpopost ni Sotto ng video sa kanyang instagram stories nang pagwowork out kasama si dating NBA player Amar’e Stoudemire.
Ang 18 anyos na si Sotto ay nagtungo sa amerika kasama ang kanyang pamilya noong 2019 para tuparin ang kanyang NBA dream.
Sumali si Sotto sa NBA G league select team na ignite noong isang taon kasama ang ilang draft prospects tulad ni Fil am player Jalen Green.
Pebrero nang kumalas si Sotto sa ignite kasunod nang pagbiyahe sa Pilipinas para maglaro sa Fiba Asia cup qualifiers na kalauna’y nakansela rin dahil sa pandemya.
Una nang bumilib si Gilas Pilipinas Program Director Tab Baldwin kay Sotto sa maikling panahong nakasama ito sa training bubble sa national team.