Magkakaalaman na mamaya kung mapipili si Kai Sotto sa 2022 NBA draft.
Isasagawa ang draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York City kung saan 58 ang magiging pick.
Magugunting sumabak ang 7-foot-3 center sa iba’t-ibang workout ng ilang team sa NBA upang maging unang homegrown Filipino player na target makapasok sa pinaka-sikat na basketball league.
Nagkaroon ng workout ang 20 anyos na Gilas mainstay kasama ang New York Knicks, Orlando Magic, Cleveland Cavaliers, Chicago Bulls, Sacramento Kings, Los Angeles Clippers, Atlanta Hawks at Indiana Pacers.