Sasabak na si Kai Sotto sa kanyang NBA private workouts sa New York, USA sa susunod na linggo.
Kabilang ang Knicks sa mga workout na nakahanay para kay Sotto sa kanyang pangarap na maging unang homegrown filipino na maglaro sa NBA.
Aminado si Kai na hindi siya nadadala ng pressure at determinadong ituloy ang kanyang pangarap na makapasok sa pinaka-sikat na basketball league.
Tinatapos na lamang ng Pinoy basketball phenomenon ang kanyang preparasyon para sa kanyang hectic schedule ng private workouts sa Atlanta.
Tiniyak naman ni Kai na handa siya sa mga hamon lalo’t mas pisikal ang labanan sa NBA.