May kaugnayan umano sa kontrobersyal na British Political Consulting Firm Cambridge Analytica ang isa sa mga kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang inakusahan ang naturang British Firm na gumagamit umano ng mga datos ng mahigit 87 Milyong Facebook user upang impluwensyahan ang mga boto para kay Donald Trump noong 2016 US Presidential Elections.
Batay sa website ng strategic communications laboratory na SCL.CC na naka-rehistro sa Securities and Exchange Commission bilang Istratehiya Incorporated, ang parent company ng Cambridge Analytica, matatagpuan sa 12 bansa kabilang sa Pilipinas ang kanilang mga tanggapan.
Nagpakilala ang istratehiya bilang isang “one stop shop” para sa lahat ng strategic communications at political operations requirements, mapa-gobyerno o corporate affairs hanggang sa eleksyon.
Isa umano sa mga incorporator at director ng istratehiya ay si Atty. Rey Faizal Ponce Millan o “Taipan Millan” na mula Davao City, at isa sa mga kaibigan ng pamilya ni Pangulong Duterte at kilalang nasa likod ng ilang pulitika.
Samantala, naimpluwensyahan na umano ng S.C.L. ang mga eleksyon sa 32 bansa kabilang ang Pilipinas simula pa noong 2013.
Samantala, itinanggi ni Presidential Communications Undersecretary Joel Sy Egco na may kaugnayan ang dalawa sa mga naging campaign adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa head ng kontrobersyal British Political Consulting Firm na Cambridge Analytica.
Ito’y makaraang lumabas ang ulat ng Filipina Correspondent na si Raisa Robles sa South China Morning Post na bumisita sa Pilipinas si Cambridge Analytica Ceo Alexander Nix noong Mayo 2015.
Batay sa kumalat na larawan sa social media, magkasamang nananghalian sina Egco, Peter Tiu La Viña, pinsan nitong si Jose Gabriel “Pompee” La Viña at Nix sa isang event ng National Press Club.
Gayunman, aminado ang palace official na hindi naman niya batid na si Nix ang kanilang kausap at wala ring malisya ang kanilang pag-uusap.
Samantala, nilinaw naman ni Pompee La Viña na hindi na niya nakausap si Nix matapos ang nasabing event at walang ideya na nasangkot sa kontrobersya ang Cambridge Analytica.
Magugunitang inakusahan ang naturang British Firm na gumagamit umano ng mga datos ng mahigit 80 milyong Facebook user upang impluwensyahan ang mga boto para kay Donald Trump noong 2016 US Presidential Elections.