Kumbinsido ang Palasyo na kailangan nang i-review ng COMELEC ang kontrata ng Smartmatic matapos na maitala ang maraming aberya sa nakalipas na halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo, dapat turuan nang leksiyon ang Smartmatic dahil sa dami nang sablay nito sa pagpapatupad ng automated election.
Dapat din umanong maipaliwanag nang maayos ng Smartmatic ang dahilan ng mga aberya sa VCMs dahil kung hindi ay pwede itong sampahan ng asunto.
Pero batay umano sa paliwanag nang ilang I.T experts malaki talaga ang tiyansa na magloko ang mga VCMs lalo na’t tatlong taon ang nakalipas bago ito ginamit ulit.
Iminungkahi naman ni Panelo ang pagkakaroon ng regular testing sa mga VCMs upang masigurong gumagana ito sa oras na muli itong gamitin.