Kailangan pang mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) taun-taon ang mga tao sa mga susunod na ilang taon pa.
Ayon ito kay Alex Gorsky, chief executive officer ng Johnson and Johnson, katulad na rin ng season flu shots para hindi na kumalat pa ang virus.
Sinabi ni Gorsky na sa tuwing magmu-mutate ang virus, nagkakaroon ng panibagong variant at may pagkakataong nawawalan na ng silbi ang antibodies dahil iba na ang nagiging reaksyon ito sa bakuna.
Noong nakalipas na linggo ay hiniling ng Johnson and Johnson sa health regulators sa Amerika ang go-signal para sa single dose ng COVID-19 vaccine para sa emergency use at mag-a-apply ito sa European authorities sa mga susunod na linggo.
Kasabay nito, ipinabatid ni Gorsky na tiwala silang maaabot ng kumpanya ang target na makapag-deliver ng 100-million doses ng COVID-19 vaccine nito sa Amerika hanggang sa katapusan ng Hunyo.