Kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask kahit sa loob ng bahay.
Ito ayon sa Phivolcs ay matapos umabot na sa Metro Manila ang smog o vog na nagmumula sa Bulkang Taal.
Ibinabala ng Phivolcs ang masamang epekto sa kalusugan ng nasabing vog na mga pinong droplets na naglaman ng sulfur dioxide na acidic at nagdudulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at baga.
Sinabi ni phivolcs na bukod sa Metro Manila ang haze mula sa Bulkang Taal ay nakaabot din sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal gayundin sa Bulacan, Bataan, Pampanga at Zambales.